Una sa Balita

Honeylet Avanceña namahagi ng tulong sa mga Taal evacuee

0 460

NAGING emosyonal ang long-time partner ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet ­Avanceña sa kanyang speech at nang makita ang kalagayan ng mga evacuee sa Batangas Provincial Sports Complex.

Pinangunahan ng partner ni Pangulong Duterte ang relief mission na inorganisa ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and ­Industry, Inc. para sa mga ­biktima ng ­pagsabog ng Bulkang Taal ­nitong Miyerkoles, Enero 22.

Kasama si ­Avanceña na namahagi ng may 10,000 tikoy at relief goods sa mga evacuee.

Ang ilang litrato ng naging pagbisita ni Avanceña sa sa sports complex ay ibinahagi sa Twitter account state TV network PTV 4. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More