Una sa Balita

Honesty is such a lonely word

0 2,005

Usapang magjowa

Girl: Babaero ka! Siguro gusto mo na ako iwan?
Guy: Hindi, babe. A­yoko. Mahal kita.
Girl: Magpakatotoo ka! Alam kong marami ka nang babae. Ayaw mo na sa akin ano? Sumagot ka ng totoo!
Guy: Totoo ba kamo? Sige. Ayoko na nga. Pinagtitiyagaan na lang kita. Ang kulit mo. Ang ingay. Nagger ka. Ayoko na. ‘Di ko na ito kaya!
(tahimik si Girl, tapos naglambing)
Girl: Ikaw naman…masyado ka namang honest…

***

Nang bumitiw ng salita si Sara Duterte na “Honesty is not an issue” sa halalang ito, lumabas ang hasang ng kabilang partido. At nag-statement si Vice President Leni Robredo na nagsasabing, mala­king bagay ang honesty para malaman ang integridad ng isang tao. Dinagdag pa ni VP na hindi dapat tumakbo sa eleksyon ang mga ‘di honest.

Sumagot ngayon si Sara at idiniin na may dahilan kung bakit “fake” ang tawag kay Robredo. Iginiit nito ang relasyon sa lala­king may asawa at ang hinaharap na kaso ng electoral fraud.

Inulan ngayon ng pagtatanggol ang kabilang partido kay Robredo, at ‘di na muli umimik ito. Tuloy, umarangkada muli si Mayor Sara na nagsabing:

“A reminder to Leni Robredo: Kapag umatake ka, at sinagot ka ng inatake mo to question your authority to speak on integrity and honesty, do not retreat behind a “Robredo Camp” to answer for you and the argument you started. It says a lot about your fake courage.”

Aray. Sinungaling na nga raw, duwag pa.

Masakit man isipin, nagpapakaotoo nga naman si Inday Sara nang bumitiw ng salita ng honesty. Ayon sa kanya, sino ba ang honest? Kampanya ngayon, lahat ng kandidato nagsisinungaling.

Medyo cynical nga ang dating pero ‘di rin masasabing mali siya. Sa pangako pa lang na gagawin ng mga politikong ito, sigurado tayo may mga humahaba na ang ilong. Pero gustuhin man nating magpakatotoo ang mga ito, hindi nila gagawin? Sino ba sa kanila ang magsasabing, “Wala akong maipapangako! Kasi ‘di ko alam kung makakapag-consensus building ako. ‘Di ko alam sino magiging speaker/Senate president. Walang kasiguruhan! Pero gusto ko maging congressman/senador ninyo.”

***

Contact me through Facebook page Luminous by Trixie Cruz-Angeles

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy