Una sa Balita

Honesty ang tunay na isyu sa eleksiyon 

0 546

Ang katapatan o honesty ang tunay na isyu na dapat pag-usapan ngayong eleksiyon sa bansa.

Ito ay taliwas sa naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sana bilang abogado, mayor ng Davao at Presidential daughter ay alam sana nito ang mga katagang “public office is a public trust”.

Maliwanag na kailangan sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno na dapat ay hindi matatawaran ang katapatan sa taumbayan at sa bansa.

Naunang sinabi ni Mayor Sara na hindi na daw isyu ang honesty o katapatan ng mga kandidato sa eleksiyon ito dahil sinungaling daw ang lahat ng kandidato.

Maaring mara­ming sinungaling nga sa mga kandidato nga­yon dahil may nagsasabing. Wala daw ginagastos sa pondo ng gobyerno ang kampanya ng isang kandidato at ang isa pang kapwa kandidato ay naunang nagsabi na graduate daw sa UP College of Law at Princeton pero napatunayang hindi at nagsisinungaling pala.

Dapat malaman din ng lahat na ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

Naniniwala ako sa ating mga kapwa botante na patuloy na pinahahalagahan ang katapatan ng mga kandidato na dapat mahalal sa eleksiyon.

Dapat ay mag-isip tayo nang husto at kung hindi pinapaha­lagahan ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago ang katapatan ay nanga­ngahulugan na sinu­ngaling din pala ang kanilang mga kandidato kung pagbabasehan ang pahayag ni Mayor Sara.

Muli, pakiusap natin sa mga botante, ang gumagastos ng malaki at takot sa debate lalo na ang mga sinungaling na isinasawalang halaga ang isyu ng katapatan ng mga magiging opisyal ng gobyerno ay huwag na huwag nating iboboto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy