Una sa Balita

Honasan nagpiyansa sa Biñan

By
Mug shot ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan mula sa Biñan City Police. (Ronilo Dagos)
0 1

Isinuko ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan ang kanyang sarili sa Biñan City Police headquarters sa Laguna kasama ang kanyang abogado na si Atty. Dennis Manalo kahapon ng umaga.

Ito’y matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa senador dahil sa umano’y katiwalian sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) nito.

Matapos iproseso at kunan ng mug shot, blood pressure, buccal swab at finger prints, dumiretso ang grupo ng senador sa sala ni Judge Teodoro Solis ng Biñan Regional Trial Court Branch 25 para maglagak ng piyansa.

Matapos ito, nilagdaan ng huwes ang release order ng senador.

May piyansang P30,000 per count ang kaso ni Honasan o P60,000 para sa 2 counts na inihain laban sa kanya.

Ayon kay Atty. Manalo, pinili nila ang Biñan City Police dahil nasa labas ito ng Metro Manila.

Maari kasi aniyang hindi i-honor ng Sandiganbayan ang piyansa kung sa Metro Manila sila magpapyansa dahil nandiyan din ang tanggapan ng anti-graft court.