Una sa Balita

Honasan lusot agad sa CA

0 241

Tulad ng inaasahan, madaling nakumpirma sa Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni dating Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan III bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Walang miyembro ng CA ang kumontra sa kanyang kumpirmas­yon.

Bago ang kumpirmas­yon ay pinakita ng CA panel ang track record ni Honasan na akma sa kanyang trabaho sa DICT.

Ayon kay Senodora Grace Poe, bilang isang dating military alam umano ni Honasan ang papel ng departamento para i-safeguard ang interes at seguridad ng bansa.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na malawak ang kaalaman ni Honasan sa intelligence communication at impresibo rin ang academic record at managerial skills kaya ku­walipikado sa kanyang bagong posisyon.

“He is a person of unquestionable integrity and his unequivocal dedication to both humanitarian and public service are unparalleled,” sabi ni Zubiri. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy