Una sa Balita

Honasan itatapon sa ibang government post?

0 801

NAGPAHIWATIG si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa posibleng iba pang ahensyang ialok kay Senador Gringo Honasan sa halip na kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Aminado si Sotto na hindi natupad ang tunay na plano na sa pagpasok ng taong 2019 ay manunungkulan na si Honasan bilang DICT secretary.

Gayunman, kinontra ni Sotto ang mga nagsasabi na hindi kuwa­lipikado si Honasan para sa posis­yon sa paggiit na maraming kuwa­lipikasyon ang dating sundalo para pamahalaan ang DICT.

“Pinag-usapan namin nu’ng isang araw ‘yan, pasok na pasok (Honasan sa DICT). Si Sen. (Panfilo) Lacson mismo nag-point out ‘yung background niya on technicalities ng DICT secretary,” saad ni Sotto

Kung may mga tutol aniya sa pagpili kay Honasan, mas makabubuting ipasa nila sa Commission on Appointments (CA) ang kanilang mga dahilan.

Ipinaliwanag naman ni Sotto na kailangang ma-nominate uli ni Pangulong Rodrigo Duterte si Honasan matapos itong ma-bypass ng CA noong Disyembre.

Nagpahiwatig naman si Sotto na baka sa ibang puwesto na ilagay si Honasan.

“The President has to nominate him again because he was bypassed last December 12. He has to be nominated again, malay mo ma-nominate siya sa ibang post,” giit ni Sotto.

“Everything is possible. Ewan ko, tanungin ninyo si Sen. Lacson,” sagot pa ng Senate President nang pilitin ng Senate media. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy