‘Home sweet home’ sa 35 OFWs

By

Nasa 35 pang undocumented at distressed na overseas Filipino wor­kers (OFWs) na mula sa bansang Riyadh ang dumating sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) Temrinal 1 kahapon ng umaga.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang dumating ang mga nasabing OFWs sakay ng Philippine Airlines Flight PR 655 at sinalubong ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration at Department of Foreign Affairs (OWWA-DFA).

Inasistehan ang mga nasabing OFWs para sa Custom at Immigration bago dalhin sa halfway house ng OWWA para isailalim sa briefing at pansamantalang titigil dito habang inaayos ang kanilang mga kaukulang benipisyo na ipagkakaloob ng gobyerno.

Bibigyan din ng mga pamasahe ang mga umuwing manggagawa sa malayong probinsiya habang ang iba naman ay ihahatid ng OWWA sa mga probinsiya na nasa Luzon.

Samantala masaya naman ang mga nasabing bilang ng mga OFW na dumating kahapon dahil sa agad naman silang inasistihan ng mga opisyal at kawani ng OWWA at DFA.

SHARE