Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Home care para sa mga batang may sakit

0 64

Kasabay ng tumataas na kaso ng COVID-19 ay dumarami rin ang mga batang nagkakasakit at nagkakaroon ng sintomas gaya ng lagnat, ubo, sipon o makating lalamunan.

Bilang magulang, pinakakinatatakutan natin na magsakit ang ating mga anak. Kung pwede nga lang ay mapunta sa atin ang nararamdaman nila.

Kung asymptomatic (walang sintomas) o mild lang ang nararamdaman ng ating mga anak, nirerekomenda ang home isolation. Ibabahagi ko sa inyo ang home care tips mula sa Department of Health at ilang mga espesyalistang doctor.

  1. Kailangang ihanda ang thermometer at pulse oximeter. Magandang mag-invest dito dahil magagamit ito ng pangmatagalan at in case of emergencies.
  2. Kunin ang temperature ng ating mga anak kada apat (4) na oras. Bigyan sila ng paracetamol kung tumaas sa 37.5 ang temperatura.
  3. I-monitor ang oxygen level sa pamamagitan ng pulse oximeter kada anim (6) na oras. Sumangguni agad sa doktor kung bumaba ito sa 95. Pwede rin daw obserbahan kung bumibilis o nahihirapan huminga ang ating mga anak kung walang oximeter.
  4. Buksan ang mga bintana para may sapat na ventilation at airflow sa loob ng bahay.
  5. Magpaaraw. Pinakamainam magpaaraw hanggang alas-nuwebe ng umaga.
  6. Siguraduhing nakakainom sila ng maraming tubig at kumakain ng masusustansyang pagkain. Dapat din may vitamin C at Zinc.
  7. Hayaan din silang makapagpahinga at makatulog ng sapat.
  8. Makipag-ugnayan sa inyong doktor sakaling hindi bumubuti ang kanilang kondisyon.

Higit sa lahat mga papa at mama, i-alma ang sarili at iwasan ang ma-stress na nakakababa ng resistensya. Kailangang alagaan din natin ang ating kalusugan at magpalakas para maalagaan din ang ating mga anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.