Una sa Balita

Holy Week drama ng AlDub nakabitin

By
0 701

abante-i-know-better-jun-nardoBlessed ang feeling­ ng “Eat Bulaga” Dabarkads dahil nakarating sila nang safe sa Holy Land sa Israel. Walang show silang gagawin doon at ang taping para sa EB Lenten Drama Specials ang pakay nila roon.

Group picture ang agad pinost ni Allan K na ang location nila ay Tiberias, Israel. Kasama sa photo ang EB boss na si Tony Tuviera kasama ang wife niyang si Madz.

Sa Dabarkads, kasama sina Ryan Agoncillo, Wally Bayola, ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto, Jimmy Santos, Pia Guanio, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza.

Hindi namin masipat kung si Aden Richards ‘yung guy na naka-cap at katabi ni Meng. Eh sa mga comment, eh hanap siya ng netizens.

Tanungan ang iba kung bakit wala sina Joey de Leon, Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Tanong ng ilan kung susunod ba si Arjo Atayde sa Israel.

Agad namang nagpa­kuha ng pic si Maine sa isang lugar sa Caesarea Aqueduct, gayundin sina Bossing at Poleng.
Sa pagkakaalam namin, makakasama si Alden sa isa sa episode ng EB Holy Week drama at si Maine ang kapareha niya.

 

Pag-iyak ni Wendell pinalakpakan

Usap-usapan ang galing ni Wendell Ramos sa breakdown scene niya sa Kapuso primetime series na “Onanay.” Nabisto na kasing isa siya sa mga rapist ni Onay (Jo Berry) na matagal niyang inilihim.

Naghalo na ang luha niya’t sipon habang umiiyak at humihingi ng tawad. Ngayon lang uli namin napanood ang husay ni Wendell na isa sa underrated actors ng showbiz.

Ngayong gabi ang finale ng “Onanay” at siyempre, ang kaabang-abang ay ang ending ni Helena na ginampanan ng maga­ling na si Cherie Gil.

Para kina Mikee Quintos, Kate Valdez at Jo, blessed ang feeling nila’t na­ging bahagi sila ng series na tumatak sa manonood.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy