Una sa Balita

Hollywood producer, rapist ng mga artista

By
0 31

Naglutangan na ang mga babaeng ginahasa umano ng Hollywood producer na si Harvey Weinstein, ayon sa expose ng New Yorker magazine.

Isa sa nagsalita laban sa producer na si Harvey Weinstein ay ang Italian film star na si Asia Argento. Nakilala si Argento sa spy action film na ‘xXx’noong 2002 na pinagbidahan ni Vin Diesel.

Si Argento, 42, anak ng iconic horror director Dario Argento, ay umamin na pinuwersa siya ni Weinstein sa oral sex at pakikipagtalik 20 taon na ang nakaraan.

Hindi na siya nagsuplong sa pulis dahil alam niyang sisirain ng producer ang kanyang buhay at career.

Nagsalita din ang aspiring actress na si Lucia Evans na noong nakaharap niya sa opisina ng Miramax si Weinstein noong 2004, pinaluhod siya nito at pinagawa ng oral sex.

Ilan lang ito sa 13 kababaihan na in-interview ng writer na si Ronan Farrow sa nakalipas na sampung buwan bago nilabas ang artikulo.

Ilan sa mga sinasabing nabiktima ng producer ay ang mga kilalang Hollywood actress na sina Angelina Jolie, Rosanna Arquette, Gwyneth Paltrow at French actress Judith Godreche.

Mariin namang itinanggi ni Weinstein ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.