Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hollywood beauty na’ Liza lalong gumanda sa pag-alaga ni James

0 337

Sayang at hindi ko napuntahan ang trade launch ng Careless Music, na ginanap sa Matrix Creations Events, na kung saan ay pinakilala rin si Liza Soberano bilang bagong talent.

Nagsama-sama pa naman sa event na `yon sina Nadine Lustre, Jolianne, Lesha, Massiah, at siyempre ang Careless Music founder and Chairman na si James Reid.

Pero, sa press release na pinadala ng Careless Music, inanunsiyo nga nila ang mga pagbabago sa kanila.

Sabi ni CEO Jeffrey Oh sa pagpili nila ng mga talent: “First of all, they should be family. We are a family of risk takers, willing to support each other.”

Kasama rin sa bagong artist ng A-Team si Issa Pressman, sister ni Yassi Pressman.

Sabi ni Issa, they were all hanging out as friends, showcasing her then new single “Monkey Business” when James approached her shortly after to ask if she was already signed with a label. Ganun lang daw kasimple ang naging usapan nila.

Tungkol naman kay Liza, inamin niyang ang pagiging fearless when it comes to taking risks is what attracted her to sign with the music label. “It is very exciting and encouraging to see a lot of people (within Careless Music) pursuing their dreams and passion at such an early age and doing it the way that they want to do it. That’s kind of what I seek in my career: to have a lot more creative freedom and control and to (be able to) create my own path and destiny,” sabi ni Liza.

Inanunsiyo rin ni Jeffrey Oh ang partnership ng Careless Music with Transparent Arts, the artist management and record label company of Far East Movement based in Los Angeles, California for the company’s global direction.

Kaya asahan na raw ang US and European Tour for the roster and A-Team competitions by February 2023.

Kuwento naman ni Liza, unang kinausap ni James si Enrique.

“So he didn’t reply to James right away and then one day I was playing on Quen’s phone and then James message again. I was the one who reply back to James on Quen’s phone and I was like sure,” sabi ni Liza.

Dalawang araw ang nakalipas ay nag-zoom meeting na sila, at sinabi nga ni James na gusto niyang makatrabaho ang LizQuen. Pero, may kontrata pa raw sila sa Star Magic noon.

Sa interview ni MJ Felipe, napag-usapan din ang tungkol sa diumano ay ‘hiwalayan’ nila ni Enrique.

“We’re fine, we’re totally fine. He knew all about my US trip and I had talked to him and I was like, ‘these are like really big opportunities that I don’t wanna miss up on. I hope you understand.’

“He’s totally understanding about the whole thing and very supportive and yeah, we’re totally fine,” chika ni Liza.

Well, abang-abang na lang sa mga pagbabago sa career ni Liza. Pero, isa lang ang masasabi ko, super ganda ni Liza ngayon. Mukhang mahusay mag-alaga si James, dahil nag-iba ang aura ni Liza ngayon, na mukhang Hollywood beauty na talaga.

At yes, pag pinagtabi mo sina Liza at James, para kang nakatingin sa mga Hollywood star ngayon pa lang.

Bagay na bagay ang kagandahan ni Liza sa kaguwapuhan ni James. Pero `yun nga, magdyowa pa rin sina Liza at Enrique, kaya hanggang talent/manager lang ang relasyon ng dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.