Una sa Balita

Hollywood actor, pumalag din sa sexual harassment vs. bading na film executives…

By
0 140

Dahil sa pag-amin ng mga Hollywood actresses sa pagsamantala sa kanila ng Hollywood studio executive na si Harvey Weinstein, naglabas na rin ng kanilang istorya ang ilang Hollywood actors na naging biktima rin sila ng sexual harassment ng ilang mga tagong bading na Hollywood film executives.

Isa sa unang nagkuwento ng kanyang experience na na-harass at mahipuan ng isang matandang studio executive na hindi niya inakala na gay ay ang former star ng hit show na Dawson’s Creek na si James Van Der Beek.

Ayon sa 40-year old actor, noong nagsisimula pa lang siya bilang isang teen actor sa Hollywood, naranasana na niyang mahipuan at mayayang makipag-sex ng hindi niya akalaing mga gay studio executives.

Sa kanyang magkasunod na tweets, ni-reveal ni James na totoo na laganap sa Hollywood ang sexual harassment, hindi lang sa babaeng artista kundi pati na sa mga lalake.

Tinawag nga niyang isang ‘criminal’ at ‘unacceptable’ ang gawain na ito kaya saludo siya sa mga babaeng nagsasalita na sa experience nila regarding sexual harassment and rape.

“For anyone judging the women who stayed silent, read this for perspective. Also for anyone brushing off harassment as boys being boys.

“I’ve had my ass grabbed by older, powerful men, I’ve had them corner me in inappropriate sexual conversations when I was much younger…

“I understand the unwarranted shame, powerlessness & inability to blow the whistle. There’s a power dynamic that feels impossible to overcome.

“FTR, the harassment I tweeted about was by people 99.9% of you don’t know. 2 were charged (by others) & punished. The other has since died,” tweet pa ni James.

Nagsalita na rin ang comedian ng programang Brooklyn Nine-Nine na si Terry Crews na hinipuan siya ng isang high level Hollywood studio executive sa isang party. Nagulat daw ang misis ni Terry sa ginawa ng executive sa kanyang mister.

Noong kumprotahin daw ito ni Terry, ngumisi lang daw ito na parang walang ginawang masama.

Kinalma na lang daw si Terry ng kanyang misis para walang maganap na eksena. Mahirap na raw at baka siya pa ang makulong dahil sinaktan niya ang isang powerful Hollywood player.
“My wife and I were at a Hollywood function last year n a high level Hollywood executive came over 2 me and groped my privates.

“I decided not 2 take it further becuz I didn’t want 2b ostracized— par 4 the course when the predator has power n influence.

“I let it go. And I understand why many women who this happens to let it go,” tweet pa ng komedyante. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy