Una sa Balita

Holland, San Miguel abangers kay Wells

0 401

Laro ngayon: (Hoops Dome, Lapu-Lapu City)
5:00pm – San Miguel Beer vs. Rain or Shine

NAGHIHINTAY ang San Miguel Beer ng kumpirmas­yon mula sa kanilang mga physical therapist kung puwedeng lumaro si Dez Wells sa mga nalalabi pang asignatura ng Beermen sa PBA Governors Cup.

Dumayo ng Lapu-Lapu City ang Beermen para harapin ang 2-7 Rain or Shine sa lone game ng Petron Saturday Special ngayon.

Naka-civilian clothes si Wells Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome, nag-all-Filipino ang San Miguel at nagawang ipagpag sa overtime ang makulit na Blackwater 99-96.

Laban sa inaalat na Elasto Painters, dadagdagan ng SMB ang anim na panalo sa pang-10 laro para manatili sa top four na twice-to-beat sa quarters.

Hindi pa makumpirma ang estado ni Wells, may nakahandang contingency plan na magpalit ng import si coach Leo Austria bago ang playoffs.

Hindi pa mailaro ni Wells ang left ankle sprain na nakuha sa 125-99 loss sa Meralco noong Oct. 27.

Ayon sa isang insider, isa si John Holland sa tinitignan ng San Miguel na replacement import. Da­ting naglaro si Holland, 31, sa Boston Celtics at Cleveland Cavaliers. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy