Una sa Balita

Holding hands nina Maine, Carlo nagpakilig sa mga fan

0 338

Hindi nga magkamayaw ang mga fan sa lumabas na litrato nina Maine Mendoza at Carlo Aquino sa set ng pelikula nilang “Isa Pa With Feelings”. Nag-post si Carlo ng photo nila ni Maine na para bang may pinag-uusapan habang magkahawak ang mga kamay.

Siyempre, ang mga fan, sumugod agad sa social media, at ipinaramdam kung gaano sila kinikilig at excited sa tambalan ng dalawa.

“Nakakakilig, picture pa lang nananapak na ang chemistry nina Mara and Gali,” sabi ni @jhilyn1998.

“Huy, may chemistry kayo! At picture pa lang ‘yan. Excited na to see kahit trailer lang,” dagdag pa ni @sanddollar_13.

Naku ha, kung pagbabasehan ang mga comment ng mga tao eh mukhang tatabo sa takilya itong unang pagtatambal nina Carlo at Maine. Hindi talaga ito malabo na mangyari, dahil kung sina Kathryn Bernardo at Alden Richards nga, pumalo na sa higit P500M ang pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye”.

Kaya abang-abang na lang kayo kung kailan ang play date ng “Isa Pa With Feelings” sa sinehan. At sana nga ay panindigan ng mga fan ni Maine ang pagsuporta sa movie nila ni Carlo, ha! (Dondon S­ermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy