Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Holding hands kay Gerald: Julia super pabebe sa bakuna

0 209

Agawan sa ‘Best in Pabebe sa Bakuna’ sina Gretchen Barretto at pamangkin niyang si Julia Barretto.

Di ba, kumalat ang video noon na sabi ng mga netizen, ‘super pabebe’ nga raw habang binabakunahan, dahil super kapit, yakap sa kasama nito, at papikit-pikit pa.

At heto na nga, kumalat din ang video naman ni Julia, na binabakunahan din. At ‘super pabebe’ rin ang dating niya, ha!

Ang pagkakaiba lang nila, si Julia ay ang boyfriend niyang si Gerald Anderson ang umalalay sa kanya.

Sa naturang video, maririnig ang mga boses na…

“Hawakan mo Ge, hawakan mo Ge. Si Gerald na lang hahawak!” sabi ng isang lalake.

Makikita kasi si Julia na parang kabadong-kabado rin, na parang ngayon lang makakaranas ng bakuna, na patungo-tungo pa.

So, lumapit nga si Gerald kay Julia, at hinawakan ang kamay ng dalaga. Para ngang nasa park ang dalawa na magka-holding hands habang nagtititigan.

“Now I’m scared!” chika ni Julia.

“Tapos!” maririnig na sabi naman ni Gerald.

“Done na?” tanong ni Julia habang nakatingin kay Gerald.

At yes, done na nga, tapos na nga.

Well, kung ‘super pabebe’ sa iba, sobrang kilig naman ang pakiramdam ng mga fan ng dalawa. Super supportive dyowa nga raw kasi ni Gerald kay Julia, at ang sarap daw tingnan ng dalawa habang magka-holding hands.

Well…

Focus sa kasal, pagpapaseksi: Angel babu na muna sa ABS-CBN show

How time flies din talaga! Imagine, naka-isang taon na pala ang ‘Iba Yan’ ni Angel Locsin sa Kapamilya channel.

Ginawa ang show na ito noong panahong ang taas-taas ng numero ng mga nagkakasakit ng COVID-19, at kahit malaki ang banta sa kalusugan ni Angel, tinuloy niya ang ‘Iba Yan’ para makatulong sa mga nangangailnagan, o parangalan ang mga tunay na bayani.

“Thank you for supporting Iba Yan for one year now. Til next time!” sabi ni Angel.

Siyempre, nalungkot ang mga fan ni Angel, dahil ‘yun na nga lang ang chance na makita nila si Angel, pero heto nga at nawala na, o pahinga na.

“Nakakalungkot naman. Salamat sa pagbibigay impormasyon, inspirasyon at pag-asa sa panahong ito. Salamat sa pagbabayani sa ating mga kababayan!” sabi ni Ark.

“Nakakalungkot man pero taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tulong na binigay ng team niyo sa mga tao,” saad naman ni Legani.

Malaki rin ang pananampalataya ng mga fan na hindi iiwan ni Angel ang ABS-CBN.

Anyway, ngayong tapos na ang obligasyon ni Angel bilang TV host sa Dos, heto na nga ang tamang oras para tutukan naman niya ang kanyang nalalapit na kasal, at siyempre, ang ‘balik alindog’ program niya, na ngayon pa lang ay nakikitaan na nga ng resulta.

Congrats Angel!

Leave A Reply

Your email address will not be published.