Una sa Balita

Holdaper tumiba sa naka-taxi na Chinese

By
0 436

Natangayan ng mamahaling cellphone, cash at suot na rubber shoes ang isang 27-anyos Chinese national matapos ipitin at holdapin ng ­dalawang suspek habang sakay ng isang taxi ang una kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Wei Gao, turista at nanunuluyan sa Pearl Manila Hotel, sumakay umano siya ng taxi malapit sa Tycoon KTV de luxe sa Pasay pasado alas-11:00 ng gabi para magpahatid sa tinutuluyang hotel.

Makalipas ang 15-20 minutong biyahe, pinara umano ng dala­wang lalaki ang sinasakyan nitong taxi na ‘di naplakahan.
Bago pa nakakilos ang biktima nakapasok na ang dalawang hol­daper sa loob ng taxi at inipit siya.

Inutusan umano ang biktima na yumuko, kasunod noon ay agad na kinuha ang kanyang Iphone 7 na ­nagkakaha­lagang P50,000, P9,000 cash.

Hindi pa umano ­nasiyahan ang mga ­suspek, pinahubad pa sa kanya ang suot niyang ­rubber shoes.

Tinangka pa umano ng dalawang suspek na atasan ang biktima na tanggalin ang password ng kanyang cellphone pero nagkunwari siya na hindi naintindihan ang sinabi ng mga suspek.

Ayon sa biktima, ­ibinaba umano siya ng mga suspek sa isang madilim na bahagi ng Escolta sa may Binondo.

Hinala ng biktima, kasabwat ng ­dalawang suspek ang driver ng taxi. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy