Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Holdaper todas sa encounter

0 159

Todas ang isang hinihinalang holdaper habang nakatakas ang kanyang kasabwat matapos nilang makaengkuwentro ang mga pulis dahil sa pagholdap at pagtangay sa P200,000 kita ng isang sangay ng convenience store sa Malolos, Bulacan nitong Linggo.

Ayon kay acting Bulacan Provincial director P/Col. Charlie A. Cabradilla, naispatan ng mga pulis ang mga suspek nang umiwas sila sa chechpoint sa Barangay Niugan matapos makulimbat ang kita ng Alfamart branch sa Barangay Sumapang Matanda sa Malolos City at cellphone ng tatlo nitong kawani. Humantong sa engkuwentro ang habulan hanggang makorner ang mga suspek at mabaril ang isa.

Narekober sa lugar ang isang caliber 38 revolver na kargado ng apat na bala, mga basyong bala ng 9mm pistol at asul na bag pack na may lamang P176,840 at Cash Transfer Slip na may Account name na Alfametro Marketing Inc. habang patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa napatay na holdaper ng nasabing tindahan.

Noong Hunyo 25, isa ring hindi kilalang holdaper ang napatay ng pulisya makaraang looban ang isa pang sangay ng Alfamart sa Barangay San Isidro sa Paombong at tangayin ang hindi matukoy na kita nito. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.