Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Holdaper tepok sa engkuwentro

0 240

Isang notoryus na holdaper ang napatay habang inaresto ang dalawang kasabwat niya sa nangyaring engkuwentro noong Miyerkoles ng gabi sa Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat, nakilala ang nasawi na si alyas Tolits at ang mga naaresto na sina Christian Soro, 30, residente ng Purok 4, at Reymark Hipolito, 27, truck driver, residente ng Purok 1, pawang sa Brgy. Samon, Cabanatuan City.

Lumitaw sa pagsisiyasat na unang biniktima ng mga suspek ang isang 7-11 Convenience Store sa Brgy. Mabini Extension, Cabanatuan City at isinunod ang Shell Select Convenience Store sa Brgy. Isla, Santa Rosa, Nueva Ecija.

Nagtulungan sa intelligence at follow-up operations ang mga operatiba ng Cabanatuan City, Santa Rosa Police Stations, NEPPO at Santa Maria Municipal Police Station ng Bulacan Provincial Police Office.

Dakong alas-sais ng gabi, sakay ang mga salarin ng dalawang motorsiklo at namataan sa Sitio Boundary, Brgy. Caalibangbangan.

Sa umano’y pakikipaglaban sa pulisya ay namatay noon din si Tolits, habang tinamaan din ng bala si Pat. Aisar Hajar ng Santa Maria, Bulacan police sa dibdib at naka-confine ngayon sa ospital.

Nakunan din umano ang mga sumukong holdaper ng apat na sachet ng shabu, granada, ID ng mga nabiktimang empleyado, at baril. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.