Una sa Balita

Holdaper nanlaban, utas

0 269

KAMATAYAN ang i­nabot ng isang hinihinalang holdaper nang makipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng pulis sa Angeles City, Pampanga Martes nang gabi.

Ayon sa ulat, nanlaban umano ang hindi pa nakikilalang suspek nang makorner ng mga pulis matapos holdapin ang isang babae dakong alas-10:00 nang gabi.

Sinabi ni Col. Narvin Mangune, acting director ng Angeles City Police Office, agad na nagsagawa ng isang dragnet ang kanyang mga tauhan matapos makatanggap ng tawag sa radio na may nangyaring hol-dapan sa kahabaan ng Villa Rosario Street.

Binantayan umano ng mga pulis ang lahat ng lugar na maaaring daanan ng papatakas na suspek hanggang sa makorner pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga awtoridad.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek dahil walang nakuhang identification card ang mga imbestigador sa katawan nito.

Nakuha sa poses-yon ng suspek ang isang kalibre .38 revolver at mga bala kabilang ang isang Honda motorcycle na gamit umano nito sa panghoholdap. (Rudy A­bular)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy