Una sa Balita

Holdaper na naka-van tinutugis sa Marikina

0 264

PINAGHAHANAP ngayon ng Marikina Police ang isang van na umiikot at nambibiktima para mangholdap.

Sa reklamo ng nabiktima na si Mary Grace Ugaban, 27-anyos, sales officer, napansin na niya ang isang tin­ted na van na nakaabang sa kanto na kanyang pinaghihintayan ng masasakyan papasok ng trabaho, sa Barangay Sto. Niño dakong alas-singko Huwebes nang umaga.

Umandar umano ito at nang makalapit na ay binuksan umano ng isa sa mga nasa loob ng sasakyan ang pinto saka siya hinila at nagdeklara ng holdap.

“Huwag kang papalag, huwag kang maingay kasi papatayin kita,” ito ang bantang binitiwan sa biktima na walang nagawa kundi ibigay umano ang kanyang bag na naglalaman ng isang cellphone (OPPO F5) na nagkakahalaga ng P8,000, cash na aabot sa P2,000.00 at mga ATM card at identification card.

Agad na umalis ang mga suspek matapos makita ng isang security guard ang pangyayari at agad na umalis dala ang bag ng biktima. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy