Una sa Balita

Holdaper na ayaw sumuko, bulagta sa engkuwentro

By
0 255

NAPATAY ng mga pulis ang isang hindi pa nakikilalang holdaper matapos na manlaban habang pinapasuko sa San Pedro City, Laguna kahapon nang hatinggabi.

Batay sa report ng San Pedro City police station, hinoldap ng suspek si Edwin Mancia y Pasague, 34-anyos, kinuha ang cellphone, relo at wallet nito habang nakatutok ang isang kalibre .38 na baril.

Mabilis na tumakas ang biktima matapos ang panghoholdap subalit nakapagsumbong agad sa mga pulis.

Inabutan ng mga awtoridad ang tumatakbong biktima sa PNR Site, Brgy. Nueva subalit pinaputukan nito ang mga pulis.

Walang nagawa ang awtoridad kundi gumanti ng putok na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Samantala, bulagta din ang drug pusher na si Rechie Silva, 30, matapos na manlaban sa mga pulis sa drug buy-bust operation sa Brgy. San Pablo Norte, Santa Cruz, Laguna kahapon ng alas-3:30 nang madaling-araw.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.