Una sa Balita

Holdaper kalaboso sa Valenzuela

0 398

BUKING ang pangho-holdap ng lalaki sa dala­wang estudyante nang makuhanan ng shabu at patalim sa Valenzuela City.

Naaresto si Enrique Beranio Jr, 29-anyos, ­residente ng ­Bagbaguin, Caloocan City dahil sa ­kahina-hinalang kilos nito nang mamataan ng ­pulisya sa Orosco Purok 4, habang nagbebenta ito ng motorsiklo.

Nang lapitan ng mga pulis para hanapan ng sapat na dokumento sa ­ibinebentang ­motorsiklo ay doon na nabisto na walang sapat na papeles ang suspek at nakapa­ngalan pa ang motor sa ibang tao.

Kaya naman ­naghinala na ang awtoridad at ­inatasan nila ang suspek na ipakita ang laman ng compartment ng ­sasakyan at nadiskubre ang isang patalim, dalawang ­driver’s license na ­nakapangalan sa ­magkaibang tao at limang plastic sachet na naglalaman ng shabu na naging dahilan upang damputin ito.

Nadagdagan pa ang kaso nang dalhin sa presinto ang suspek at nakilala ng dalawang ­estudyante na hinoldap ng suspek.

Ayon sa dalawang biktimang estudyante, tinutukan sila ng suspek at tinangay ang kanilang cellphone.

Mahaharap ang ­suspek sa kasong robbery ­snatching at carnapping habang inaalam pa ng mga pulis kung nakaw ang motorsiklo nito. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More