Una sa Balita

Holdaper ‘di umubra sa mag-inang bibiktimahin

By
0 122

GENERAL TIÑIO, Nueva Ecija — ­Kalaboso ang isang 31-anyos na tricycle driver makaraang maigupo ng mag-inang pinagtangkaang holdapin nito noong Linggo ng gabi sa may ­Purok Riverside sakop ng Brgy. Bago sa bayang ito.

Sa ulat na ­nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija police director, nakilala ang ­naaresto na si Cezario Diaz Madrid, residente ng Brgy. Gulod, sa bayang ito.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni SPO2 Michael Cruz Sarangaya na dakong alas-10:00 ng gabi habang ­abala sa pag-uurong si Anna Marie Langcay ­Guilas, 42, negosyante, ay biglang pumasok ang salarin na armado ng itak.

Sinakal pa umano ang ginang at pinipilit ng salarin na ilabas nito ang napagbentahan sa kanilang tindahan.

Nang marinig ang ka­guluhan ay sumaklolo ang anak na si Rozel, 13-anyos, at nakipagbunong agawin ang itak.

Hanggang nakatiyem­po ang ginang na naka­kuha ng basyong bote ng softdrink at ipinukpok sa ulo ni Madrid at ipinaaresto ito sa mga bantay ba­yan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy