Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hodge, Newsome bubulabugin Gins

0 158

Finals Game 1 sa Abril 6:
(Smart Araneta Coliseum)
6:00pm – Ginebra vs Meralco

DEPENSA ang pinakaimportanteng armas ng Meralco kaya nakabalik sa Finals ng PBA Governors Cup.

Sa deciding Game 5 ng semis noong Biyernes, kinalos ng Bolts ang Magnolia 94-81.

Ganu’ng nakakasakal na ‘D’ din ang gagamitin nila kontra Ginebra sa rematch sa finals umpisa sa Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

“We talked about it, that if we’re making it to the finals, we have to rely on our defense,” ani coach Norman Black. “And that’s what we did.”

Related Posts

Pambulabog ni Black sina Cliff Hodge, Chris Newsome, Raymond Almazan, Allein Maliksi.

Sina Scottie Thompson, LA Tenorio, Christian Standhardinger ang angkla sa Gins.

Tapatang Justin Brownlee at Tony Bishop sa imports.

Nalimitahan si Bishop sa 8 points sa 3 of 18 shooting lang sa winner-take-all kontra Hotshots, pero perpektong 9 of 9 tungo sa 18 points si Almazan, may game-high 24 si Maliksi na gumatilyo ng 6 for 8 sa 3s. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.