Una sa Balita

HK$2M nahuthot ng Pinay sa OFWs sa Hong Kong

0 1,388

Maaaring umabot sa halagang HK$2 milyon ang nakulimbat sa mga overseas Filipino worker­s (OFWs) sa Hong Kong matapos tumalbog ang tiket na kanilang binili sa travel agency na minamay-ari ng isa ring Filipina.

Ito ang tantiya ng pulisya sa Hong Kong dahil umaabot sa 645 OFW ang naloko ng Peya Travel agency na minamay-ari ng mag-asawang si Rhea Donna ‘Yanyan’ Boyce ng Tigbauan, Iloilo at Peter Bryan Boyce ng Australia.

Si Rhea ay may pagkakautang din umano ng HK$3 milyon sa 67-anyos na Hong Kong national na nagmamay-ari ng isang kompanya.

Naaresto na si Rhea noong araw ng Pasko sa mismong condo unit nito sa Wanchai at nahaharap sa reklamong fraud kaugnay ng mga tumalbog na plane ticket ng OFWs.

Hinahabol din ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si Rhea dahil sa mga biniktima nitong OFWs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy