Una sa Balita

HK university campus nilusob ng mga pulis

0 444

SINALAKAY ng mga kagawad ng pulisya ng Hong Kong ang campus ng Hong Kong Polytechnic University kahapon.

Pero atras nang paulanan ng molotov bomb ng mga nagpoprotesta at gumanti ng tear gas.

Sinabi ni Mr. Ken Woo, acting president ng PolyU student union sa local broadcaster RTHK na nasa 70 estudyanteng mga nagpoprotesta ang nagtangkang lumabas ng campus pero sumuko nang atakehin ng tear gas.

May 500 katao pa umanong naipit sa campus kung saan tubig na lamang umano ang inaasahan dahil malapit nang maubusan ng pagkain.

Marami ring demonstrador ang may matinding tama at dumaranas na ng hypothermia dahil pambobomba ng water cannon ng mga HK police.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy