Una sa Balita

HK student na nalaglag sa tear gas ng pulis, patay

0 429

KINUMPIRMA ng isang hospital staff na namatay nitong Biyernes ng umaga ang Hong Kong university student na nalaglag sa isang carpark building matapos tear gas-in ng pulis ang mga aktibista.

Ito lang ang kinumpirma ng isang hospital official na pinangalanang ‘Chow’, at hindi na nagbigay ng iba pang detalye.

Bagama’t hindi pa natukoy ang sanhi ng pagkalaglag ng 22-anyos na mag-aaral, inaasahang pasisiklabin nito ang galit ng mga Hongkonger laban sa mga pulis, na napabalitang brutal na sinasaktan ang mga raliyista mula pa nang nagsimula ang mga protesta noong Hunyo 2019.

Bago ito, marami nang ulat tungkol sa mga namatay na mamamayan sa suicide, at isang lalaking nalaglag sa isang gusali habang nagsasabit ng mga pro-democracy banner.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy