Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

HK, Singapore ilalarga na travel bubble

0 185

Sisimulan na sa Mayo ang travel bubble sa pagitan ng Hong Kong at Singapore matapos ang matagal na pagkakatengga ng plano dahil na rin sa pagsirit ng COVID-19 sa teritoryo ng China.

Base sa planong travel bubble, magkakaroon muna ng isang flight kada araw at limitado lamang sa 200 pasahero.

Mahigpit din ang patakaran para sa mga nais bumiyahe dahil kailangan na negatibo sa COVID-19 bago umalis at pagdating sa Hong Kong o Singapore.

Nabatid pa na papayagan lamang makapunta sa Singapore ang mga nakatira sa Hong Kong 14 na araw pagkatapos nilang maturukan ng dalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.