Una sa Balita

HK minadali ng Filipinas

By
0 1

Walang hirap na ni­lampaso ng national wo­men’s squad ang duma­yong Hong Kong kahapon matapos itarak ang 25-21, 25-16, 25-17 panalo sa opening game nila kahapon sa 19th Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan. 

Isinagupa ni coach Francis Vicente sina team captain Mika Reyes, volleyball superstar Alyssa Valdez, Jaja Santiago, Jovelyn Gonzaga, Aby Marano, Gen Casugod, Maika Ortiz, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Kim Dy, Kim Fajardo, Denden Lazaro at Dawn Macandili. 

Kasama ng Team Pilipinas at Hong Kong sa Pool A ang Kazakhstan na makakalaban ng Nationals bukas sa parehong venue. Kailangang manalo ng Filipinas para makasiguro sa susunod na phase. 

Nasa Pool B ang heavyweights Japan, China at Australia, sa Pool C ang Korea, Vietnam, Sri Lanka at New Zealand, kumukumpleto sa Pool D ang Thailand, Chinese Taipei, Iran at Maldives. 

Samantala, pinagpag ng powerhouse teams Thailand at Korea ang kanilang nakatunggali sa magkahiwalay na laban kahapon. 

Tinalupan ng Thailand ang Maldives 25-5, 25-12, 25-9, kinalos ng Korea ang New Zealand 25-21, 25-14, 25-12.