Una sa Balita

HK, Macau binayo ng isa pang bagyo

By
0 6

Hinagupit ng isa pang malakas na bagyo ang Hong Kong at Macau nitong Linggo, ilang araw lamang matapos bayuhin sila ng bagyo na kumitil ng 18 buhay.

Maaga pa lang kahapon nang itaas ng dala­wang siyudad ang Typhoon 8 signal – ang pinakamataas na warning level – matapos humagupit ang tropical storm ‘Pakhar’ na nag-landfall sa rehiyon habang inaayos pa ng mga emergency workers ang mga napinsala ng naunang bagyong ‘Hato’ noong Miyerkules.

Dahil dito, 206 flights ang kinansela habang 471 ang naantala ang paglipad.

Sinuspendi rin ang lahat ng ferry services sa Hong Kong habang hindi pa ibinababa ang storm warning sa dalawang siyudad.

Walang iniulat na nasawi sa bagyong ‘Pakhar’ subalit inihayag ng mga opisyal ng Hong Kong hospital na may 62 katao ang nasugatan.

Isa namang Chinese cargo ship ang lumubog pero na-rescue lahat ng 11 crew member nito.