Una sa Balita

HK gov’t hindi lalambot sa extradition law

0 346

HINDI nagpatinag sa protesta at nanindigan ang Hong Kong government na hindi iaatras ang panukalang extradition law na magpapahintulot sa mga suspected criminal na ipadala sa mainland China para doon isagawa ang pagdinig sa kaso.

Hindi nakitaan si HK Chief Executive Carrie Lam ng pag-atras sa plano sa kabila ng marubdob na panawagan ng mga mamamayan ng Hong Kong.
“This is a very important piece of legislation that will help to uphold justice and also ensure that Hong Kong will fulfil her international obligations in terms of cross-boundary and transnational crimes,” komento ni Lam.

Sa halip ay sinabi ng opisyal na susubukan nilang ipaliwanag sa publiko nang malinaw ang batas.

Sisiguraduhin din aniya ng gobyerno ang legal protection sa human rights.
Gayunman ay tiniyak ni Lam na mahaharap sa karampatang aksyon ang mga lalabag sa batas.

Samantala sini­guro ng mga raliyista­ ang mas malaking­ kilos-protestang magaganap sa mga susunod na araw sa malaking bahagi ng Hong Kong.

Ayon sa mga umalma sa panukalang batas na dapat ibasura na ang panukalang batas at magbitiw sa kanyang puwesto si Lam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy