Una sa Balita

HK atras sa extradition bill

0 278

OPISYAL nang inanunsyo ni Hong Kong leader Carrie Lam nitong Sabado, Hunyo 15 ang suspensiyon ng kontro­bersyal na extradition bill at nangakong aayusin ang pakikipag-ugnayan sa mga tao kasunod ng malawakang protesta na humatong sa karahasan.

Gayunman ay hindi pa rin nagpatinag ang mga demonstrador sa pahayag ni Lam at iginiit na itutuloy pa rin nila ang protesta at tanging makakapagpatigil sa kanila ay ang tuluyang pag-atras sa panukala.

“We need to tell the government that the Hong Kong people will persist and will not discontinue our protest towards the government unless we see the withdrawal of the Bill,” pahayag ni Civil Human Rights Front convener Jimmy Sham.

Sinabi ni Sham na patuloy na makikipag­laban ang mga mamamayan ng Hong Kong hangga’t hindi wini-withdraw ng gobyerno ang bill.

Nangako rin si Lam na handang makinig ang gobyerno sa mga opinyon patungkol sa bill.

Nauna nang itinakda ang extradition bill nakaraang linggo ng Le­gislative Council (LegCo) pero ipinagpaliban dahil sa malawakang protesta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy