Una sa Balita

Hiwalayang Kim Domingo, Mike Acuña gimik lang

0 378

abante-i-know-better-jun-nardoBokya ang naging ending ng relasyon ni Kim Domingo sa boyfriend niyang si Mike Acuña.

Take note, nag-live in na ang dalawa noon, pero hindi pa rin na-ging matatag ang ka-nilang pagsasama.
Iwas nga lang ang Kapuso actress na sabihin ang detalye ng hiwalayan nila ng boyfriend nang tanungin siya ng press sa mediacon ng kinabibila-ngang Kapuso series na “Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko.” Showbiz niyang sagot, “In good terms pa rin kami.”

Marami tuloy ang naghihinala na gimik lang ang hiwalayan nila. Kasi nga, makikita na lahat ng photo ng lalaki sa Instagram ay nila-like pa rin talaga ni Kim.

SONA gagawing masaya, maliwanag ni Joyce Bernal

Payapa na ang pagdidirek ni Bb. Joyce Bernal sa pangalawang pagkakataon ng State of the Nation Address (SONA) ni President Rody Duterte sa July 22.
Sa una niyang pagdidirek ng SONA, nagkaroon ng gulo nang patalsikin ang nakaupong Speaker na si Alvarez at ipinalit sa kanya ang former president Gloria Arroyo.

Eh sa latest pronouncement ni P-Digong, si Rep. Alan Cayetano ang gusto niyang Speaker of the House at kahati niya sa termino si Rep. Lord Allan Velasco.

Kaya sa interview kay Direk Joyce habang nag-o-ocular inspection sa Batasan, gusto niyang maraming ilaw sa SONA at masaya ang background music.

Of course, walang bayad ang serbisyo ni Bb. Joyce bilang SONA director.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy