Una sa Balita

‘Hiwalayan’ kay Roxanne Barcelo itinanggi ni Will Devaughn

By
0 285

Hiwalay na nga ba sina Will Devaugn at Roxanne Barcelo? Pinagseselosan nga ba ni Will si Vin Abrenica na siyang ka-‘loveteam’ ni Roxanne sa top rating show na Wildflower?

Abante Hiring – IT dep

Bakit nga ba hindi na madalas makitang magkasama ng apat na taon nang magdyowa sa mga events o maging sa IG posts ng mga ito?

Para malinawan ang mga nakaririnding tanong sa amin, persona­l naming kinausap si Will sa pamamagitan ng telepono kung saan ay mariin­ niyang itinanggi ang lahat­.

Very much on pa rin daw sila ni Rox, pero may konting distansiya talaga sila ngayon dahil sa sobrang busy ng kanyang dyowa sa teleser­yeng ‘yun ng Kapamilya network, kaya hinayaan lang muna niya.

Matagal nang pangarap ni Roxie ang ganitong pagkakataon, kaya habang nasa palad niya ito ngayon, ayaw raw niyang maging sagabal.

Pangalawa, walang dahilan para pagselosan niya si Vin dahil pinag-usapan naman daw nila ito.

Basta’t mahal na mahal pa nila ang isa’t isa, hindi threat si Vin sa kanilang relasyon.

Tungkol naman sa IG posts, kahit naman noon daw ay hindi sila mahilig magpo-post ng mga lakad nila toge­ther. Kailangan lang nilang gawin ‘yun before para sa promo ng pelikulang I Found My Heart In Sta. Fe.

Madalas din silang mag-usap para mag-update, pero aminado siyang bilang na ang kanilang dates dahil katulad ngayon, muli siyang bumalik sa Sta. Fe, Cebu para tumulong sa grupo ng Road Trip nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na naroroon para sa isang taping.

So, ‘yun! Solido as a rock pa rin ang kanilang pag-iibigan ni Roxie, kaya smile na lang siya sa mga isyu.

‘Yun na!

Jessy Mendiola ‘Momshie’ na ang tawag kay Ate Vi

Jessy Mendiola at Luis Manzano

Ang isa nga raw sa gusto ni Vilma Santos kay Jessy Mendiola para sa kanyang anak na si Luis­ Manzano ay ang hindi nito pakikipag-compete sa career ng kanyang anak.

Alam daw ni Jessy kung saan ilagay ang sarili niyang celebrity status at kapag ang sentro ng tao ay na kay Luis, hinahayaan daw niya lang daw itong mag-shine.

Ganu’n kalakas si Jessy sa future mother-in-law niya, kaya maging ang pagtawag sa kanya nito na ‘Momshie’ ay parang tunog-kampana na ang dating kay Ate Vi.

Kung wala nga raw problema kay Edu Manzano na maging lolo, aba, siya rin naman noh! ‘Yun nga lang, ayaw­ ni Ate Vi na patawag na lola sa magi­ging apo niya.

Mamita. ‘Yun daw ang gusto niyang tawag sa kanya.

First apo niya ito kung sakaling magkatuluyan sina Jessy at Luis, kaya­ feeling niya ay magiging spoiled ito sa kanya.

Nasa Japan ulit ngayon sina Jessy at Luis, and who knows?  Pag-uwi nila ay may dala-dala nang little­ Luis sa tiyan ni Jessy.

Echos lang! Ha! Ha! Ha! We never know.

Ika nga, ‘accident can happen anytime’.

Yown!