Una sa Balita

Hiwalayan kay Kathryn hindi big deal kay Daniel

By
0 579

Hindi naman nanga­ngahulugan na buwag na ang loveteam na KathNiel. Ito ang mariing sinabi ni Daniel Padilla tungkol sa paggawa nga ni Kathryn Bernardo ng pelikula with Sharon Cuneta at Richard Gomez na hindi siya kasama.

Hindi rin siya nagtatampo o sumasama ang loob dahil bigla na lang siyang naiwan sa ere dahil alam niya na maganda ito sa growth ni Kath bilang isang aktres o artista.

Maging siya rin naman ay gagawa ng pelikula na wala ang kanyang partner, so, no big deal talaga ‘yun sa kanila.

Abante Hiring – IT dep

Dito rin masusubukan kung paano sila susuportahan ng kanilang mga tagahanga – magkasama man sila o hiwalay, devah?

At least, maghihiwalay man ang kanilang landas pansamantala ay meron din naman silang iniwang regalo sa kanilang mga tagahanga, ang The Hows of Us na nagkaroon nga ng grand presscon kahapon, August 22.

As always told, siniguro nila na hindi na pang-teeny bopper ang dating niya sa pelikulang ‘yun at maging si Direk Cathy Garcia-Molina ay inilayo na sila sa romcom thin­king ng mga manonood.

Andun pa rin naman ang palabok na ito, pero mas angat na ang maturity level ng dalawa dahil hindi na rin nga raw sila mga bagets.

Nakailang movies na sila together, so, mas kilala na ni Direk ang da­lawa, at alam na niya kung saan niya huhugutan ang transformation na ito sa pinakasikat pa ring love team ng kanilang generation.

Para sa Star Cinema, defining moment din nga rin ito sa dalawa dahil maaaring manibago ang mga tagahanga ng dalawa, pero surely,­ mas mamahalin nila ang KathNiel sa pelikulang ito.

‘Yun na!