Una sa Balita

HIV case sa Baguio lumobo ng 700%

By
0 1,494

Naalarma ang local government unit (LGU) ng Baguio City ng umakyat sa 700 percent ang kaso ng Human Immune Virus (HIV) noong nakalipas na taon.

Sinabi ni Baguio City Health Service Office (BCHSO) nurse Cristina Juan, sa apat na kaso ng HIV noong 2016, umakyat sa 32 kaso ng HIV ang naitala noong isang tao (2017) na siyang nagbigay sa LGU upang alarmahin ang mga residente sa patuloy na pagtaas ng mga HIV victim.

Ayon kay Juan, 32 na indibduwal ang naitala na positibo sa HIV noong 2017, dalawa rito ay parehong lalaki, ang isa ay buntis at iyong natitira ay sangkot sa “male to male sex.”

Kinumpirma rin ng BCHSO na mula Enero­ 2018 hanggang sa kasalukuyan ay 10 bagong HIV cases na lalaki ang biktima na nakipag-sex sa kapwa lalaki ang naitala.

Dahil dito sinabi ni Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health-Cordillera (DOH-Cor) nurse Geeny Anne Austria ay nasa kategorya ng “high risk area” ang Baguio tulad ng paglaganap sa National Capital Region (NCR), Cebu at Pampanga.

Babala ng local na health expert, gumamit ng “safe and protected sex” para maiwasan ang pagsalin ng HIV.