Una sa Balita

HIV and AIDS Policy Act sagot sa edipemya

0 301

MALAKING tulong para maapula ang lumala­king HIV epidemic sa bansa ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine HIV and AIDS Act.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaking hakbang ang ginawang paglagda sa batas ni Pangulong Duterte para masolus­yunan ang paglobo ng nasabing sakit sa bansa.

Sanhi nito,  mabibigyan na ng pamahalaan ng tamang suporta ang mga Pilipinong dinapuan ng HIV-AIDS infection.

“The signing of the Philippine HIV and AIDS Act is a huge step forward in responding to the growing HIV epi­demic in the Philippines,” ayon kay Duque.

Sa ilalim ng batas, mapagkakalooban ng kumprehensibong edukasyon at prevention programs ang mga tinaguriang People Li­ving with HIV (PLHIV) at kanilang mga pamilya at maging ang mga menor de edad na 15 taong gulang ay maaari na ring masuri laban sa human immune virus (HIV).

Kailangan lamang umano na maayos na maipatupad at masunod ang batas.

Umaasa naman si Senadora Risa Hontiveros na masosolusyunan na ang paglobo ng kaso ng HIV at AIDS sa bansa sa paglagda ng Pangulo sa nasabing batas.

Aniya, malaking bagay din ang batas upang maprotektahan ang karapatan ng mga indibiduwal na may HIV. (Juliet de Loza-Cudia/Anne Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy