Una sa Balita

Hitting Spree niresbakan si Viva Morena

0 245

NAKABAWI si Hitting Spree kay Viva Morena matapos angkinin ang titulo sa 11th “Mayor Ramon D. Bagatsing Sr.” – Resorts World Manila (Challenge of Champions­ Cup) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo ng hapon.

Sa unang pagkikita, yumuko si Hitting Spree kay Viva Morena sa “Four-Year-Old & Above Stakes Race” noong Hulyo.

Binigla ni Hitting Spree si Viva Morena sa largahan nang hawakan nito ang bandera na isa sa dahilan ng kanyang panalo.

Noong matalo si Hitting Spree, si Viva Morena ang nagdikta ng tempo at nanalo itong banderang tapos.

Ngayon ay si Hitting Spree ang naka wire-to-wire finish.

“Sinunod ko lang sabi ng mga boss ko, iuna ko at huwag bitawan ang unahan,” hayag ni class A rider JA Guce.

Nirehistro ni Hitting Spree ang 1:51 minuto sa 1,750-meter race at nagbulsa ang kanyang sota ng P10,000 premyo mula sa Resorst World.

Segundo si Viva Morena, tersero ang kabayong si Pangalusian Island habang pang-apat si Und Kantar sa event na pinasibat sa Race 4.

Nakaraang taon ay si Hitting Spree rin ang nagwagi sa nasabing karera. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy