Una sa Balita

Hitting Spree masusukat sa 4YO Open Stakes Race

0 219

BAGO ikasa ang malaking derby sa darating na Setyembre 15 ay ilalarga muna ang 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Open Stakes Race” na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Todo paghahanda ang mga trainer at jockey sa event na pakakawalan sa Setyembre 8 kung saan walong kabayo ang magtatagisan ng bilis sa distansyang 1,750 metro.

May P500,000 guaranteed prize ma ikakalat sa apat na kabayong titimbang, hahamigin ng mananalong owner ang P300,000.

Una sa listahan si Hitting Spree at tiyak na nakatutok dito ang mga liyamadista, inaasahang papatok ito sa bentahan.

Nagpakitang-gilas si Hitting Spree sa kanyang huling laban, sinungkit nito ang korona sa 11th “Mayor Ramon D. Bagatsing Sr.” – Resorts World Manila (Challenge of Champions Cup) nakaraan Linggo sa pista ng San Lazaro.

Nasa listahan ng mga sasali ay sina Gomper Girl, Manalig Ka, Messi, Pangalusian Island, Sooner Time, Truly Ponti at 2018 3rd Leg Triple Crown ruler Victorious Colt. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy