Una sa Balita

History sa volleyball

0 362

Nasaksihan ko ang isang makasaysayang laban ng SEA Games men’s volleyball team kontra Vietnam, Indonesia at Thailand na kaba, panghihinayang kung minsan at puno ng kasiyahan.

Ang lupit ng puso ng ating mga magigiting na balibolista.

Magmula kina Bryan Bagunas, Marck Espejo, Kim Malabunga, Joshua­ Retamar, Marcos, Rex Intal, Jonvic de Guzman, Ranran Abdilla, coach Dante Alinsunurin at iba pa.

Sa laban ng ating boys kontra Vietnam, na-sweep nila ang laro ng three sets pero ito ay hindi naging madali dahil may emotional at mental disadvantage ang ating mga Pinoy dahil nu’ng nakaraang SEA Games sila naman ay na-sweep din ng bansang Vietnam.

Sa buong laro, struggling ang ating volleyball players.

Dahil sa giting, tapang at pride ng ating players naitawid nila ang laban ng gabing ‘yun.

Kontra Indonesia, parang pagod pa ang boys sa tindi ng laban nila sa Vietnam, tila bang late lagi sila ng isang hakbang kontra sa kalaban.

Sila ay nakatikim din ng sweep at halos ang buong sambayanang Pilipino ay nanlambot sa pangyayari.

Nagkaroon ng matin­di at masusing adjustment na ginawa sina coach Dante at kanyang mga staff sa susunod na magiging laban nila sa powerhouse na No. 39 sa world volleyball rankings­ na Thailand.

Ayun, nagbunga ang kanilang strategy, binigyan nila ng bola sina Retamar, Malabunga, Intal at Abdilla habang nakaabang lang sa gilid sina Bagunas at Espejo.

Dikit ang laban sa apat na set, sagutan ng palo, sagutan ng service error, hindi humihigit ang lamang ng bawat koponan sa four points, parehong koponan hindi nawawalan ng kumpiyansa na makaka-recover­ sila.

Hindi sila takot sa import ng Thailand, matindi ang pride ng bawat koponan.
Ang palo ng players natin ay parang karga nila ang sambayanang Pilipino sa hataw nila sa bola. Ang pinakamatindi sa lahat ay ang tiwala ng ating Pinoy players natin sa isa’t isa.

Hindi mo sila nakikita na nagsisihan, adjust at move on agad sa sitwasyon.

Walang mag-aakala na mananalo tayo, dehado tayo kahit saan mo tignan.

Pero lahat ‘yun ay naging baliktad sa panalo natin kontra Thailand.

Ito ay history volleyball community, maluluha ka kapag nasaksihan mo ‘yung tatlong laro.

Pure grit and determination ang ipinakita ng Pinoy men’s volleyball, kaya ‘yan binigyan tayo ng medalya.

Huwag bibitaw mga kababayan sa ating mga atleta. Sama-sama lang hanggang dulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy