Una sa Balita

Hirit sa Duterte administration Umento sa sahod, maayos na presyo ng bilihin at kahirapan lutasin

By
0 7,972

MAYORYA ng mga Filipino ay naghihintay ng dagdag sahod mula sa gobyerno at makontrol ang presyo ng mga pa­ngunahing bilihin.

Resulta ito ng survey ng Pulse Asia kung saan pa­tuloy na umaasa ang mga manggagawa sa gobyerno at sa pribadong sektor para sa umento sa sahod.

Nais din ng mga Filipino na makontrol ang pres­yo ng mga pangunahing bilihin dahil halos nagtaasan lahat matapos ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, sa kabila ng probisyon na ilan lamang dapat sa mga bilihin ang maaapektuhan nito.

Batay sa ulat ng Ba­yan para sa unang quarter ng taon, 50% ng mga Filipino ang nagsabing dapat matugunan ng gobyerno ang inaasam na dagdag sahod, at 45% ng nagsabing dapat kontrolin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ikatlong dapat tutukan ng Duterte administration ay ang paglutas sa problema ng kahirapan at lumikha ng mas mara­ming trabaho.

Nangako naman ang pamahalaan na pursigido ang administrasyon para maiahon sa kahirapan ang mga mahihirap na Pinoy kaya nagdodob­le sikap para maisulong ang mga infrastructure project sa pamamagitan ng ‘Build, Build, Build’ program.

Katunayan, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maganda ang pagpasok ng mga pamumuhunan sa bansa dahil ang Pilipinas ang isa sa paboritong investment destination lalo na ng mga Japanese businessmen.