Una sa Balita

HIRIT NA!: Rich Justice Sereno

By
0 3

Maliwanag ang mensahe ni Pangulong Duterte noong State of the Nation Address na ang mga tao na nasa gobyerno ay empleyado lamang ng kanyang mamamayan.

Ang SONA ang pinakamahala­gang pagkakataon para ipaalala sa mga public officials, halal man o itinalaga sa puwesto, ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay.

Ito ang itinatakda sa Saligang Batas at sa Republic Act No. 6713 ang Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nakasaad sa Article XI, Section 1 sa Accountability of Public Officers, “Public office is a public trust. Public officials and employees must at all times serve the people with utmost responsibility, integrity, loyalty and efficiency, act with patriotism and justice, and lead modest lives.”

Maliwanag din sa Section 4 ng RA 6713 na, “Officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate­ to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.”

Ibig sabihin huwag maging MALUHO dahil marami pa rin sa mga Pilipino ang nabubuhay sa hirap.

Sa nabulgar na luxury service ni SC Justice Ma. Lourdes Sereno, ito man ay tawag ng kanyang posisyon hindi pa rin maituturing na dapat sa kasalukuyang panahon.

Kung ang luhong ito ay nararapat na maparusahan ng ­impeachment o pagpapatalsik sa puwesto, iwan natin sa pagsusuri ng mga miyembro ng Kamara.

BALITAWIT
Sa tono ng HARANA na pinasikat ng Parokya ni Edgar

Totoo ba o Sereno!
Marami kasi ang nagtataka
Kanya ba ‘tong mukhang bago
Nagkandarapa sa pagkuha
Nasa siyam na milyong piso ang halaga!

Mayron pang kontra bala…
Ba’t di na lang tangke ang kinuha?
At nariyan pa mga kasama
Naka-porma’t naka-barong
Kay sarap bang ibiyahe sa isang
Long and winding road?

REFRAIN:
Puno ng galit ang iba
At kay lamig pa ng aircon
Sa ‘king tingin para kang baliw, giliw
At sa Land Cruiser mong ito
Sana’y maibigan mo…
Binubuhos ko ang buong suweldo ko
Sa isang munting kita
Na para sa’yo…

Di ba parang nakakaloko
Mayroong threat ka ba? Sa buhay mo
Di ba’t ika’y taong gobyerno
Kami ang totoong boss mo..
Sa istoryang nagwawakas
Sa gastusing kay wagas

REFRAIN:
Puno ang galit ang iba
At kay lamig pa ng aircon
Sa ‘king tingin para kang baliw, giliw
At sa Land Cruiser mong ito
Sana’y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong suweldo ko
At sa ‘sang munting kita
para sa’yo…