Una sa Balita

HIRIT NA: EJK: May pattern? 

By
0 86

Ayon sa isang police officer na dumalo sa hearing kahapon ng ­Senado na titigil lamang ang patayan kung titigil sa pagbebenta ng droga ang mga pusher.

Ano kamo???!!! 

Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na sa tindi ng problema ng droga ay baka abutin pa ang pagtatapos ng kanyang termino bago ito maresolba. May limang taon pa tayo na makaka­saksi nang patayan araw-araw?

Ang malaking problema kasi, matapos ang isang taon na kampanya sa iligal na droga, hindi ito nawala sa kalye at patuloy pa rin ang kanilang operasyon.

Sa kabila nga nang matapang at drastikong polisiya ni ­Pangulong Duterte tila naghahamon pa ang mga sangkot sa iligal na operasyon ng droga na tuloy ang ligaya at tila walang takot.

Ang masakit na katotohanan, lumalaki rin ang bilang ng mga menor de edad at mga inosenteng sibilyan na nadadamay sa kampanya.

Pero napakabagal ng pulisya na makamit ang katarungan para sa kanila.

Suportado nang marami ang kampanya sa droga ng gobyernong Duterte pero sana man lang ay mabawasan ang bilang ng mga nauulila.

BALITAWIT

Tinuluyan na ni Sen. Richard Gordon si Sen. Antonio Trillanes na sampahan ng kaso sa Senate Committee on Ethics dahil sa umano’y pambabastos nito sa Senado bilang isang ­institusyon.

Tatlo lamang ang magiging kapalaran ni Trillanes, lalo na’t binabanggit ni Gordon na 14 na Senador ang suportado siya, “reprimand, suspension at expulsion”.

IKAW LANG ANG MAMAHALIN
(IKAW LANG ANG TATANGGALIN)

Sa bawat buka ng iyong bunganga
Napapanganga ang mga kasama
Lagi kang palaban at may kayabangan..
Ganyan ang style mo, lumabas ang totoo…
At ngayon nga, dumating na itong sandali
Si Gordon napuno na parang naglilihi
Di na papayagan n’ya ang iyong kahambugan
Ikaw lang ang tatanggalin
Puso’y lumaban man, walang magagawa
Saan ka? Hindi ka? Na hahayaan pa!!
Pangulong Duterte siya na ang humiling
Kung maaari, Senado, mawala ang may tililing..
Hangga’t may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang tatanggalin
Ikaw lang ang tatanggalin

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy