Una sa Balita

Hirit na!: BALITAWIT

By
0 10

‘Usapan’ awiting pinasikat ng Singsing

[Leni]

Salamat sa ‘yo, pangulong Rody
At sa HUDCC ako ang pinili
Akala ko nga’y matetengga ang aking beauty…
O kay tagal ko rin na naghintay

Abante Hiring – IT dep

Feeling ko’y parang nanganganay..
At sa araw na iyon muntik na akong mahimatay!

O talagang nagbago ka na at si Bong Bong paano na???
Siguro nga iba ang dating sa iyo ng biyuda!!!

[Digong]

Totoong ikaw nga ang aking napili
At hindi ako nagsisisi..
Nakukulitan na ‘ko sa katatanong kasi..
At kung napansin mong ako’y nagbago
‘Wag naman ikalaki ng ulo…
Baka next year si Bong Bong ang ipalit ko sa iyo…
O talagang ganito na ‘ko, bawas na nga ang aking “‘na mo!!!”
Bigyan mo na ng bahay ang bawat pilipino

[Leni]
Pangako ko sa laylayan
Iaangat ang kabuhayan…
Lalago ang yaman
Kung may puwestong lugawan!!!

[Digong]

O Leni ko, ok na ba?
Ginastos mo, masusulit na!
‘Wag lang maging paasa
Baka umiyak ka!!

[Leni at Digong]

Ating iwan ang nakaraan at huwag na lang babalikan…
Mabuting na magkaisa para sa bayan..
Mahalaga’y narito ‘ko, at ‘di na kita dine-dedma!!
At ‘di na magkakawalay, ‘wag lang mag-kudeta!!!

Ating iwan ang nakaraan at huwag na lang babalikan

(Fade)

Napakagandang makita na ang dalawang lider ng bansa ay magkasundo at nagkaisang magtulungan para sa interes ng mga pilipino.

Sana hindi ito isang palabas lamang sa magkabilang panig at bawat isa ay may maganda namang intensyon para sa mamamayang pilipino.

Lord Kayo na po ang bahala.
***
iganclavio@yahoo.com