Una sa Balita

Hirit na: “POLITIKOMISMO”

By
0 207

Ang isa sa pagtutuunan ng pansin ng mga mambabatas, oras na maupo si President elect Rody Duterte, ay ang pagpapalit ng porma ng pamamahala – mula sa kasalukuyang presidential or democratic form patungo sa federalism.

Pero ang isa pang problema ay sino ang babalangkas ng mga alituntunin sa sistemang pedera­lismo – Constitutional Commission (CONCON) ba o Constitutional Assembly (CONASS)?

Sa ilalim ng CONCON, magtatalaga ang pangulo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, the best and the brightest, para pagtulungan na bumuo ng panukalang aamyenda sa ating Saligang Batas.

Sa kabilang panig, ang CONASS ay bubuuin ng kasalukuyang mga miyembro ng Kongreso na aatasang magsampa ng panukalang mga hakbangin tungo sa pederalismo. At dahil ang kompsisyon ng 17th Congress ay kinabibilangan ng ‘super majority’ o kaalyado ng Pangulong Duterte, mas madali na ang pagpasa rito.

Mas mabilis at mas kaunti ang gagastusin ng CONASS dahil kasalukuyan na silang nakaluklok.
Samantalang, ang mga miyembro ng CONCON sakaling mapili at tsaka lamang sisimulan ang pag-aaral o pagsusuri sa sistema ng pederalismo.

Pero ang kredibilidad ng mga miyembro, makakabuting mga bagong talaga ang magbabalangkas ng probisyon na sususog sa Saligang Batas.

Isa pa, bakit ako magtitiwala sa CONASS eh sila ang dahilan sa pagkakasadlak ng Pilipinas kung nasaan man ito ngayon. Karamihan sa mga nahalal ay mga nabanggit na recipient ng PDAF galing kay Janet Lim Napoles.

Nakita ninyo naman ang karakter ng marami, nagtalunan agad sa PDP-Laban, mabilis pa sa alas-kuwatro.

Ngunit ang mahalagang tanong, kailangan ba nating baguhin ang sistema ng pamamahala ng gobyerno? Sistema ba talaga ang problema o ang mga pinagkatiwalaang mamahala sa ating mamamayan?

Wala akong nakikitang masama sa ilalim ng demokratikong pamamahala. Anumang kabiguan na maiparating sa mamamayan ang serbisyo, iisa lamang ang dapat papanagutin, ang mga nasa Malakanyang.

Sa ilalim ng pederalismo, magkakaroon na kalituhan pagdating sa polisiya at pananagutan – national ba o lilkhain na federal state.

Related Posts

Ano ang magiging trabaho na mahahalal na pangulo at bise president lalo na’t binawasan sila ng kapangyarihan para italaga sa mga mahahalal na pinuno ng bawat federal state?

Ang balanseng distribusyon ng yaman ng bansa – mayaman o mahirap ang mabisang solusyon. Mas marami sa mahirap, mas kaunti sa mayaman para mabawasan ang layo nila sa antas ng lipunan. Ang maramdaman ng ordinaryong mamamayan ang kalinga ng isang gobyerno ang pinakamabisang sistema ng pamamahala kumpara sa iba pang porma.

Palakasin pa natin ang autonomiya ng local na pamahalaan para mas direktang mailapit sa mamamayan ang gobyerno.

Hindi sa ngayon nga, epektibo ang kampanya laban sa droga sa buong Pilipinas? Hindi kailangang palitan ang sistema ang kailangan natin ay lider na may kamay na bakal na ipinapakita na ni Pangulong Duterte.

Masyado ng malaki ang yaman ng bansa na nasasayang. Panahong mailagay na ito sa mga pangunahing prayoridad.

Hindi sistema ang problema kundi ang TAO na nagpapatupad ng sistema.

***

Lord Kayo na po ang bahala.

***

Email: iganclavio@yahoo.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy