Una sa Balita

Hirap ng mga guro sa eleksyon, gantimpalaan!

0 252

Dear Editor,
Nagdaan na po ang ating eleksyon. Kabi-kabila ang mga pangyayari sa okasyong ito.

Simula pa lamang ng eleksyon ay napakarami ng isyu ang naglalabasan. Nandyan ang hindi gumaganang VCM o di kaya’y palyadong SD cards ng COMELEC.

Dahil dito, marami ang uminit ang ulo habang nakapila upang bumoto. Hindi maubos ang mga ganitong reklamo sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Hindi mahulugang-karayom ang mga presinto noong araw ng eleksyon. At sa ganitong bulto ng tao tiyak na mahihirapan ang sinumang nakatalaga upang mangasiwa ng botohan.

Sino pa ba ang mga nangangasiwa nito sa mga presinto? Walang iba kundi ang ating mga guro. Sa mga ganitong panahin maituturing natin silang magigiting.

Hindi nila inaatrasan ang hamon ng eleksyon sa bansa higit dito hindi nila inuurungan ang banta sa kanilang buhay dahil panganib na hatid ng eleksyon lalo na sa mga liblib na lugar. Buong giting silang tumatayo upang gampanan ang kanilang tungkulin.

Related Posts

Marapat lamang na gantimpalaan ang mga ating mga guro dahil sa hirap na pinagdaanan nila noong nakaraang eleksyon.

Hindi ito matatawaran ng kakarampot na perang ibinigay lamang sa kanila.

Marahil kailangan ding siguraduhin ang kanilang kaligtasan at maging ang kanilang kalusugan sa tuwing panahon ng eleksyon.

Hindi kailanman maitatanggi ang hirap na pinagdadaanan ng ating mga guro sa panahon ito kung kaya’t dapat silang pasalamatan at gantimpalaan na naaayon sa kanilang hirap na naranasan.

Salamat po.
Yibambe ng Caloocan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy