Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hipon Girl’ ginawang supermodel

0 141

Nagbunga rin ang ilusyon noon ni Herlene “Hipon” Budol na maging isang supermodel.

Natupad ang matagal nang dream ni Hipon nang kunin siya ng designer na si Leo Almodal para sa isang photo session at isuot ang kanyang latest creations.

Makikita nga sa Instagram ni Hipon ang series of photos niya na suot ang isang sexy red gown na backless at mataas ang slit para makita ang long legs ni Hipon.

Sa isa naman ay black gown ang suot niya na lace ang tumatakip sa kanyang dibdib.

May close up shot pa si Hipon at di mo siya nakikilala dahil sa ganda ng makeup niya. Nagmukha siyang professional supermodel!

Bago nga mapasama noon sa Wowowin si Hipon, nagmo-model na raw siya dahil maganda ang height niya at sexy pa ang katawan. Ngayon ay natupad na ang maging supermodel niya dahil sa naganap na photo shoot. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.