Una sa Balita

Hipo, kalmot ng 2 Pinay kay Nam Joo Hyuk big news sa Korea

By
0 701

Nakabalik na sa Seoul, South Korea si Sandara Park. Most likely, nauna nang bumalik ang South Korean actor na si Nam Joo Hyuk at kasamahan niya sa YG Entertainment.

Naging masyadong malaking isyu sa K-pop world ang hindi magandang nangyari sa Penshoppe Fancon­ kunsaan, nahipuan at pakiramdam ng mga K-addicts ay nabastos talaga ng todo si Nam Joo Hyuk ng dalawang babaeng fan nito.

May nakausap kaming witnessed sa mga nangyari. Talaga raw hindi ganoon ka-organized at istrikto ang security ng event.

Hindi sa dyina-justify ang inappropriate act ng dalawang bagets na fan na hindi nakapagpigil at nakahanap ng oportunidad na panggigilan si Joo Hyuk, pero posibleng naiwasan ang pangit na insidente na yun kung sana, maayos ang security.

Ang nanggigigil sa nangyari ay ang mga K-addicts­ ng iba pang Korean Idols at Hallyu stars sa dalawang­ fan at sa Penshoppe. 

Naging breaking news sa mga Korean portal tulad ng soompi, allkpop, koreaboo at maging ng Dispatch ang nangyari at gene­ralized na ‘Filipino fan’ talaga ang nadiin. Baka raw dahil dito, mas mahirapan lalo ang bansa na mag-imbita ng mga Korean stars na mag-fan meeting sa bansa.

Anyway, parang hanggang ngayon ay wala pa yatang anumang statement na inilalabas ang Penshoppe sa nangyari. 

Gayundin si Nam Joo Hyuk. Naisip lang namin na oo nga’t hindi maganda ang naging karanasan nito sa photo op, pero may naging magandang experience o memories din naman siguro siya by coming here.

Hanga kami kay Sandara na kahit na natulak din ng fan sa fancon, alam mong sanay na sanay na ito na hindi mo talaga mape-predict ang behavior ng lahat ng fan. Nag-post pa siya ng sunod-sunod na pictures sa kanyang IG account hanggang sa bago siya bumalik­ ng Korea habang nasa NAIA.

Talagang love niya ang ‘Pinas at kahit paalis pa lang, may “Hope to be back soon my 2nd home” na siyang post. At kung ang IG post ni Dara ang pagbabasehan, tila satisfied at happy naman ito sa naging event.

Pinasala­matan pa ang clothing brand at sinabing job well done.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More