Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hinuling suspek sa lady cop murder pinalaya

0 684

Pinakawalan ng pulisya ang babaeng hinuli na isa umano sa mga suspek sa pagpatay sa driver na si Jang Lucero na tinadtad ng saksak sa Calamba, Laguna.

Ayon sa piskalya, kulang ang mga ebidensya laban sa suspek na si Ann Shiela Belarmino, 20. Siya ang nakita umano sa CCTV na pasahero ni Lucero, kasama ang dalawa pang lalaki, bago natuklasan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Nakalabas na sa kulungan si Belarmino noong Biyernes. Una na niyang giniit na wala siyang kinalaman sa krimen at wala siya insidente dahil nakikipag-inuman umano siya sa ibang lugar. Posible umano na may gumaya lang sa kanyang buhok at tattoo sa likod para madiin siya sa kaso.

Inamin ni Belarmino na naging girlfriend nito ang karelasyon ni Lucero na taga-Bay pero nakipaghiwalay na ito. Umaasa umano siyang lalabas ang katotohanan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.