Una sa Balita

Hintayin n’yo sina Kai, Edu!

0 408

SA November window ng FIBA Asian Cup qualifiers unang mabibistahan ang towering lineup ng Gilas Pilipinas.

Bago matapos ang taon, isasama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pool sina Kai Sotto at AJ Edu, ­kinokonsiderang shoo-in na nga sa team ang dalawa.

Hindi nawala sa radar ng SBP sina 7-foot-2 Sotto at 6-10 Edu.

“Nasa window pa rin sila,” paniniguro ni SBP ­President Al Panlilio.

Ang sinasabi lang daw ng basketball governing body ng Pilipinas ay sa first window ng Asian Cup sa February hindi isinama sa 24-man pool ang dalawa.

“Meron pang November, so the pool there might be different,” paliwanag ni Panlilo, kinatawan din ng Meralco sa PBA Board.

“For the first window lang ‘yun early names. Magbabago pa ‘yan and allowed naman ng FIBA ‘yung changes sa pool for each window.”

Kung makakasama sina Sotto at Edu, magkakaroon ng triple-tower ang Gilas kasama si five-time PBA MVP June Mar Fajardo. Tatapusin ng Filipinos ang first window kontra South Korea sa Nov. 27.

Ipinahinga muna ng SBP si Fajardo mula sa ­mahaba-habang tour of duty sa National team.

Nagsasanay sa US si Sotto, samantalang malapit nang makarekober si Edu mula sa torn ACL na nakuha sa World Under-19 tournament noong isang taon.

Taong 2013 ay kumakampanya na si Fajardo sa ­Gilas. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More